Tuesday, November 9, 2010

Nobyembre

Ah etong buwan na to ay napakasimple pero masaya naman. Sa ngayon, eto naayos na yun computer at medyo nagloloko pero kahit papano, nagagamit ko na ng maayos. Salamat kay Kuya Allan. hehe

Eto nga, biglang tapos na yun LAT training at malamang kamote kami sa pagsusulit bukas. hehe At lalo na sa pagsasanay! Naman, imbes na pasulong ang pag gamit ng teknolohiya eh parang paurong ata dito. Wala ako magagawa, ganun ang gusto ng kompanya eh. hehe

May pagsasama kami ng aking team, ngayon Sabado kaya sana di lang maayos kundi importante sa lahat, lahat kami ay sama sama at masaya! Wag lang umulan. =) Kasi mahirap umuwi at Antipolo yun noh! hehe

Sa mga gagawin ko din para sa tindahan ko, dahil medyo ayos ayos na ang computer ko, makakagawa na ko ng trapan para sa Pasko. =) Sana lang matapos ko na para wala na ko masyado gagawin.

Siyempre, sana malakas ang shop ng mga buwan na to lalo na sa Disyembre, at tuloy tuloy na ang operasyon. Dalawa na kasi tindera ko, at sana maayos ang kanila samahan. =)

Pero, kahit gustuhin ko man, di na mangyayari, na bakasyon.. =( Nasira na eh, pero sana makabawi sa darating na taon..

Makatapos na din sa pagaaral, medyo mauusog kasi nangyari sa computer ko lalo na sa trabaho, dahil sa training eh.

Sa trabaho naman, ayun makapasa lang ngayon buwan pwede na! hehe

Wala naman may espesyal na kaarawan ngayon buwan, pero sana lang siguro, may magbago.. Di ko alam kung ano pagbabago yun pero sana lang, kung may pagbabago lang, sana para sa ikakabuti. At ano pa? May mga plano ko sa susunod na taon, aayusin ko na lang siguro sa buwan na to. =) At sana masunod ko. hehe

Etong buwan pala na to, parang eto yun wala masyado espesyal na nangyari sa kin, kahit sa mga nakaraan na to.. Kaya wala naman ako maalala na masaya, magulo o malungkot sa buwan na to.. Importante, nandito pa ko! =)

Marami pang pagkikita ng CRAP at naisip ko na din bumili ng mug, makukupas na kasi yun CRAP mug. hehe

Wala na, yun lang siguro.. Ah baka makabawi na ko sa Magic ngayon buwan at susubukan na ang bagong deck. hehe Sana naman magbago ang aking tala ng panalo at talo.. Sara na ang isang phone headset ko na may kontrol! =(

Pero ok lang, marami pa ko orig headset na nokia, kahit wala na yun control na yun. hehe

Yun lang muna.. May libre?

No comments: