Tuesday, June 12, 2012

"faithfully"

Hell I don't really watch telenovelas lalo na sa mga panahon to. Lalo naman sa hapon, unless naabutan ko. I admit I watched them noong childhood days.. But as I grew older, ayun na.. Naisip ko na niloloko na ko ng mga palabas na yan. Like one mentor said, it was made to be addictive.. hehe

I only watch those series these days if two things happen. One, kung sobrang ganda ng bida or may supporting cast dun na trip ko panoorin, like hmmm Bianca King in Broken Vow.. Wow, pwede pagtyagaan. hehe And two, that show is prelude to a show that I want to watch, let's say PBA or sa etc shows like New Girl or sorts.. hehe

One Wednesday morning, galing ako training na boring.. Naka barikada yun D. Tuazon at may mga pulis at MMDA pa.. Siyempre, nagpatrapik pa! I wonder, what's happening? Noong nakita ko yun mga Van and with camera crew, I thought right away, may shooting dito sa D. Tuazon.. I thought, ano kaya shooting to? Too big for a TVC. hehe I went home at ayun, lahat ng tao sa compound, nakabantay, osisero, at yun, sabi sa kin ni Jeleane, may shooting daw sa bahay namin mismo! My first reaction, ows? hehe Then, when I entered sa house, aba panay ayos ng bahay.. Bwisit.. Ano ba to? hehe Then I saw some paintings that we don't owe.. Geez..

So, there, I slept na lang since I'm tired of sleeping sa training and see kung totoo yun shooting later.

After some hours of sleep, I woke up sa hapon to eat some lunch at sobrang ayos na ng sala, even kwarto ni Mommy.. Eh kakalinis lang last week, so parang totoo ata yun shooting. I ate and after some work, tulog ulit ako sandali. Dinner came, and suprisingly, advised me na kumain sa likod! Aba, pagbaba, sobrang linis at maayos yun sala.. At yun, kinausap ko na si Ate Jen, at totoo nga, may shooting sina Maxene here around 8pm-12am.. For a soap. Geez.. Naisip ko, ok lang yun, Maxene lang yan, wala naman yun mga crush ko talaga. hehe

So there, I ate outside sa dirty kitchen, pasok na sa training.. Paglabas ko, marami pa din tao nakaabang, at yun crew, may nakaabang sa garahe. Totoo nga may shooting sa bahay. Grabe. hehe

Thursday morning, I went home and everything went normal. Walang barikada, walang nakaabang sa labas, at higit sa lahat, home sweet old home.

Siyempre, eto na chikahan na at alamin kung ano nangyari. Sabi nila, well, surprisingly Marc Abaya, nakiligo sa min kasi galing siya sa shoot sa labas ng D.Tuazon, banggaan ata ng jeep at kotse. Sayang, nagpapicture sana ako. Idol rocker. hehe Then other stars came, yun Vaness from Starstruck, sobrang ganda daw.. Naman.. Starting to really hate this training. hehe Then, yes, Isabel Oli! Mas maganda sa personal. Bwisit na talaga. hehe At yun lang, siyempre Maxene.. Natapos ang shooting around 4am. Maingay yun shooting because of the mic and yes, Timmy Cruz pala kasama. Akalain mo, nasama pa! hehe Kala ko kakanta sa min..

Anyway, if you're going to ask pano nangyari, Mom offered yun house kasi nung shooting sa labas naghahanap ng bahay, she heard it kaya yun.. Eto na, nasa bahay na sila. She was paid naman, di ko na tinanong kung magkano. hehe

They had a fun experience, kahit sila Ate Jen and Jeleane offered some extra roles, they declined, kasi ang layo.. Kala ko nga kami ni Kuya makaextra eh, goons, taga kidnap kina Maxene since yun garahe namin pwede hideout ng kidnappers. hehe Niloloko ko nga si Jeleane, extra sana siya, muchacha. Hahaha Anyway, kahit puyat sila eh naenjoy nila yun shooting, mabuti di nagalit yun mga kapit bahay. Nakapicture pa sila sa lahat ng artista. Damn, parang may buenas si Jeleane sa ganyan, one time, Kylie Padilla sa trinoma.. Yun talaga, sana ako nagpapicture! hehe

Kaya yun, ngayon ko lang nalaman, Faithfully yun title ng soap at sa hapon pala.. Parang next week na start, kaya watch the first episode!!! Yun lang.. Wala si Michelle Madrigal, pero kung kasama sa shooting, talagang bad trip na to!!! Hahaha

The story, nah.. Kahit alam na namin, manood na lang kayo. hehe

DA WHO! Sino itong star sa cast na may attitude!! Ibang PA sinisigawan, at kahit ang techinical crew nagulat na kasama siya! Ayaw sa kanya etech at grabe ang pangmamata! hehe Sinong star na to? Ayoko magbigay ng clue. Masyadong madali! hehehe Kaya pala di masyado sa sumisikat ha.. Hmmmm Nachicka na din na butch noong college days..


Nah, after that scene yun kasama ang sala, di na ko manonood niyan. hehe


No comments: