Monday, May 25, 2015

broken lines (collection 52)

Ikaw ay isang Lourdesian, 
Di makaporma pag Monday to Thursday, sa buhok na lang ang porma..
Walang choice kung hindi magtiyaga, at maghintay..
Dahil Friday, todo porma na. Naging conio pa! hehe

Ikaw ay isang Lourdesian, 
Alam dapat ang morning praise kailan simula..
Kung malate ka, ang bagsak kay Ma'am Avila at APSA! hahaha
Kaya dapat, maaga o kung malate lang, dapat bahay ay malapit. 
Sa may mga bahay na malapit, wag sumabit at mag rason na kaw ay natrapik! hehe

Ikaw ay isang Lourdesian,
Kung malapit ang bahay, dapat nakalunch pass.
Tipid na sa baon, at higit sa lahat nakakapahinga pa, may Eat Bulaga pa!
At kung kinakailangan, tapusin ang mga assignment na panghapon. hehe

Ikaw ay isang Lourdesian,
Kokopya na lang ng notes, dapat ay malinis! 
Kahit medyo alangin sa grades, sa quiz or project..
Kahit papano, ang notebook/filler ay malinis at makinis! 
Sigurado na ang 10% mo, kahit walang natutunan. hehe

Ikaw ay isang Lourdesian..
Pag Lourdes Hymn na, sa simulat at wakas lang kakanta!
Kahit graduate na at lahat tapos na, yun lang maalala.
Let us blend our tongues, sing praises!
Hail to thee!!! hehe

Ikaw ay isang Lourdesian..
Lahat ng pinagagawa ng mga titser ay napagdaanan mo na! hehe
Kanta, tumula, mag acting, gumawa ng ganito at ganyan, lahat na! Kahit parol, ikaw pa! hahaha
Pag di mo magawa, hanap na ng gagawa, at pag di magawa, aabsent para makawala kahit papano. hehe

Ang galing ng Lourdesian!

Itutuloy.. =)

No comments: