Tuesday, July 28, 2015

broken lines (collection 55)

Sapagkat ako'y naghahanap, gusto makalasap..
Hindi kayaman, ni kapangyarihan, bagkus ang masarap!
Masarap na pagkain, tulugan, o kahit katahimikan..
Eto ang mga bagay, na aking kahilingan.

Mga bagay na 'to eh magbibigay sa kin ng inspirasyon.
Inspirasyon na bumangon, gumalaw nasa ayon.
Natanto ko sa mga nakaraan na panahon, maraming sawi laban sa wagi!
At ngayon naman, kailangan ko baguhin ang aking sarili..

Subalit, ang pagbabago sadyang di madali.
Maraming pagsubok ang nagbabadya anumang sandali!
Kung dati ako'y pumipili sa mandaling paraan.
Ngayon naman, kailangan pillin ang mahirap, masakit na daan.

No comments: