Saturday, July 19, 2008

ang maitim na kabalyero

oo, nakapanood na ko.. at dalawang beses pa!!! una.. siyempre sa dell, sa eastwood.. sarap talaga manood sa eastwood.. hehe mga 7:20pm sakto, nakapasok ako sa sinehan at sakto, di ako late, nagpalabas pa muna ng trailer.. hehe panget naman nung mga trailer.. kala ko naman watchmen saka terminator 4.. pero di naman pala.. pero nagsimula na un batman!! siyempre napakasaya ko kahit medyo alanganin kasi may pasok ako ng 10pm.. hehe kaya panay tingin sa cell ko para sa oras.. magaling un dark knight talaga, lalo na si Joker.. sayang si heath ledger.. maganda sana kung babalik siya para sa part 2 kasi malamang di naman talaga patay si Joker.. pero un buong pelika, parang kuha talaga sa graphic novel ni batman.. ganun dapat ang graphic novel adaptation para maging pelikula.. hehe magaling lahat sa dark knight, lalo na un plot niya, medyo complikado ha.. pero ok lahat.. pero un unang panood ko, medyo nabitin kasi 9:40pm, di pa tapos un palabas, nagmadali na ko bumalik sa Dell.. at yun.. log in agad.. hehe

siyempre, habang nagtratrabaho ako, nagdadalawang isip ako kung papanoorin ko ulit.. pero sa huli.. ayun, sa gateway ako nanood ulit. sa una, siyempre una ako sa pila kaya wala pang pila.. pero nung lumabas na ko sa sinehan, at balak sana manood ng wanted, kaso sobrang haba na nung pila.. bad trip.. hehe di na ko natuloy manood pa ng wanted.. tapos, nakauwi na ko at nanood ng UAAP.. kala ko makakatsamba un NU, pero hindi pala.. hehe mamaya, UST na naman.. sana manalo na sila laban sa FEU.. hehe dapat lang!! bale eto pala, nalagay ko na un mga kanta ng Joy Division at un mga trip kong video.. hehe sana maeenjoy niyo.. kung may tumitingin ng profile ko.. sige dami ko pa gagawin.. hehe bahala na kayo!!! magandang araw..

No comments: